Sunday, November 22, 2009

‘Noy Ko Po!

(ito po'y isang sulatin para kay 'noy, isang gagong kaibigang matalik na ibinigay ko noong kanyang kaarawan NOV.2008)

Marami akong gustong sabihin
Marami akong gustong isulat
‘di ko ‘lam pa’no simulan
Sana lang maintindihan mo lahat

Kung sisimulan ko sa simula
Ng ating pagkakaibigan
Mas mahaba na ‘to sa nobela
Nobelang walang katapusan

‘di ako marunong magsulat
Iyan ang buong akala ko
Pero sabi mo kaya ko na
Hayan, napahaba tuloy ang intro

Pansin mo rin ba?
‘di tayo masyadong nagkasama
Simula nitong 1st sem
Parang tayo’y nagkanya-kanya

Sinimulan mo, sinundan ko
Kaya medyo magulo’t nagkagulo
Pero pinili kong ‘di na lang kumibo
kaso lumala pa yata lalo

Pansin mo, tinawanan kita no’ng una
Pero ikaw, sige ka pa rin
Hanggang sa ako’y pinapahiya mo na
Para kang sutil na lasing

Tumira ka ng tumira
Namanhid naman ako
At kahit magulo na talaga
Heto ako, wala pa ring kibo





Naalala mo, binilhan pa kita
Isang diskette na murang-mura
Kahit noon ako’y walang-wala
‘di ka nagpasalamat o ngiti man lang sana

Pero ayos lang ‘yon
‘di ko inalintana
Kaso, sinabihan mo pa ako no’n
Na Matandang walang kwenta!

Tama na sana ‘yong isa
Pero kaw, humirit ka pa
Kaya’t sa sarili’y nagtataka
Gality ba sa’kin ‘tong bata?

Minsan ako’y humihingi
Isang bond paper. Ako’y nagmamadali
Sabi mo, “kasta, kasta lattan?”
Pare naman. ISANG BOND PAPER LANG

Mahapdi…
Makirot…
Ang kalbo kong ulo’y
Parang sinasabunot!

Ooops, ‘di po ako nanenermon
At lalong ‘di naniningil
Let’s just say writing is my passion,
Writing is just my skill

Dyahe talagang balikan ang nakaraan
Lalo na sa ganitong mga sitwasyon
Pero lahat ng mga bagay na dumaraan
Dapat lagging may rason!



Sa pagpapatuloy sa sulat
Na aking nasimulan
Hayaang aking isiwalat
Ang iyong mga kabalbalan

Hoy! Huwag kang kakabahan
Biro lang, biro lang
‘di dahil ngayo’y iyong kaarawan
Basta, ayaw ko lang

Pero heto, personalan tayo
Nang maiba naman ang usapan
Bahagyang mas malalim ito
Haha! God bless na lang!

Nagtataka ka ba
Kung ba’t ganito treatment ko?
Sabi ng iba, gusto kita
“nagseselos ka?” laging sagot ko.

Alam ko naisip mo rin iyon
‘di ako manhid, lalong ‘di tanga
Pero tila tawa lang aking tugon
Kasi ‘di po ako bakla-kla(5x)

‘di ko rin sinasabing maniwala ka
Ako ang nakakakilala sa sarili ko
Basta ang alam ko, May Butas!
May malaking butas ang medias mo!

Ilang beses na kitang pinagsabihan
Kunwari ‘di ka naman nakikinig
Pero ako, pinapakita ko lamang
Na ang Diyos ay Pag-ibig

Sabi mo no’n wala kang pera
At ilang buwang ‘di pinadadalhan
Labis naman ang aking pagkatuwa
Dahil ako ay iyong nilapitan



Nalaman ko na ilang beses ka din
Na lumabas na may ka-date
Kunwari ‘di ko napapansin
Happy tummy, J1, Gym o kahit sa gate!

Lantaran si lolo!
Akala mo kung sino!
Astig sa mata ng tao
Pero tagos-kaluluwa panloloko!

I’m not tolerating those things
Nor concern wasn’t there
I know it isn’t the right thing
But in private lives, I just don’t seem to care

Sige, ipakilala mo siya
At isisiwalat ko lahat
Sasabihin ko isa-isa
Lahat! Kahit ‘di dapat!

Minsan tanong ko,
“kilalako na ba ‘to?”
“siguro…” sagot ko
Family man o luvlyf ng gago

Hindi rin naman ako tsismoso
Kusa lang dumarating
Lupa nga, may taenga, ‘no!
Even news have wings!

Alam ko, ‘noy, alam ko,
Ikaw lang ang malas sa lahat
Hindi na nga kumpleto
Kadalasan pang salat

Hindi mo alam ang alam ko
Hindi rin kita kilala
Pero payo ko lang sa’yo
Sige lang, kaw bahala



Mga tao daw na makakasalubong mo
Sa iyong daang paakyat
Sila rin makakasalubong mo
Sa iyong daanang pabagsak!


Masarap magbasa ng mga kuwento
Mga kuwento ng buhay ng iba
Pero kapag binabasa mo’y ang buhay mo
Matutuwa ka naman kaya?

Pero pa’no kung ang manunulat
Masasamang bahagi ang pinili
Tapos, lahat isiniwalat
Walang ni-isa ikinubli

Gano’n din daw ‘pag namatay ka
Sa harap ng ating Panginoon
May maipagmamayabang ka kaya?
Hehe! Ang alam ko, meron!

Kaya nga po buhay ka pa, ‘di ba?
Kasi nga po may rason
Para daw guluhin sa eskuwela
Ang guwapong si kuyadong

Teka, ako muna ang bida
Ta’s tulisan si juanito
Haha, wala kang magagawa
Magsulat ka rin kung gusto mo

Inaalala ko lang sa’yo
Mahina ang koneksiyon mo
‘yong koneksiyon sa paligid mo?
Kasi parang may sarili kang mundo

‘di mo lang kasi napupuna
Paligid mo’y sobrang saya
Imagine: naka-smile si jhonna
Ta’s hawak-kamay kayo ni Blaza


Si jhunrey, kakaiba ang hininga
Patrick William, walang syota
Deorhey, laging dedma
Xandra, feeling artista

Nakatingin sa’tin mata ni rubia
Nunal ni Joanne, parang Gloria
Wig ni tom, humahaba
Pandak na malabanan, tumatanda

Siyempre si john, Ang Ganda!
At si marvin, may appendix siya!
Si artchie, sige ang dota
Lasing na Dwight pumapasok pa

May guard, laging sumisita
May pari, kunwari ‘di bakla
‘yong dean, amiga niya
Si Dianne, tigilan mo na pagnanasa

Imagine sa subjects mo, babagsak ka
Tas si Horace at Erwin, nakangiti sila
Si fredel, may third eye gf niya
Si lav, natuli na rin daw siya

Whew! Makuntento ka’t makisama
Pangit man o may hitsura
Gaya nina jhonna at blaza
Hitsura lang naman ang masama

Gumawa ka ng kabutihan
Hanggang sa ika’y mamatay
Dahil malayong mas makulay
Ang buhay sa kabilang buhay

Natakot din po ako noon
Sinabi mong, “’di na yata ako mag-aaral”
Sino na ang titingin sa’yo?
Sino na ang magbabawal?



Masaya po ako’t nakasama kita
Utangan mo lang ako’t uutangan din kita
Simpleng pagbibigayan sa mata ng madla
Tampo, inis, galit, lahat ‘yan kasama

Ngayon nama’y sasagutin ko
Ba’t kumpara sa iba’y, iba trato ko sa’yo
Simple lang naman, ‘noy, tandaan mo
Iba ka sa kanila, isa kang mabuting gago

Hayaan mo, ‘di kita kakawawain
Kapag nagsulat na ako ng libro
Promise, mabuti lang ang susulatin
At kunwari Mabuti Kang Santo!

Aminado po ako
Bumibilib po ako
Sulat ni bob ong sa libro
Pero ‘di ko siya idolo

Magaling nga siya. ‘di ba?
Pero mayroon akong ‘di gusto
Sulat niya nakafocus sa buhay niya
‘di gaya ko, naka-focus sa’yo

Napapaisip ka nga niya
Pero ang substance mahina
Magaling siya walang-duda
Gayunpaman, may kahinaan siya.

Gaya ko, “blessed” ang tingin nila
Oo, marami nga akong nagagawa
Nagpapaiyak, nagbabahagi, nagpapatuwa
‘di nila alam, minsan din, ako’y lampa

Pero ‘di ba, mas kapuna-puna
Ang buhay ng ibang tao
Pero ‘di mo naman napupuna
Mga pagkakamali sa buhay mo

Pero sana sa mga desisyon mo
Laging magiging gabay mo
Mga pagkakamaling nagawa mo
pati pagkakamali ng magulang mo

Kaw din nagsabi noon
Reverse psycho lang, pare
Pero ikaw naman ngayon,
mahilig sa pambababae


ibig ko lang namang sabihin diyan
baka maulit mga pagkakamali
baka kasi maipamana mo pa iyan
sa mga anak mo kung sakali


habang maiksi ang kumot
matuto kang mamaluktot
kung humaba na’t lumapad
saka ka lang mag-unat-unat.

Bilang pagwawakas,
Basahin mo ang Pluma ko
Sanaysay na ginawa ko,
Para lang sa’yo

Basta, nandito lang ako
Wag ka lang abusado
Ang pagkakaibigan, limitado
Maliban na lang kung hahayaan mo

Sana lang sa graduation,
sabay-sabay tayo
‘di tayo dapat bumagsak
Sapagkat tayo’y mga Enhenyero

Mangarap ka’t akyatin mo,
Magbago ka’t simulan mo
Manalig ka, ipagdasal mo
At mamatay ka sanang taas-noo.

No comments:

Post a Comment