(BASED ON A TRUE-TO-LIFE STORY)
Ganitong-ganito ang pakiramdam noon. Halos pareho ang amoy ng paligid, may thrill na may kahalong excitement, at ang feeling ng matatawag na graduate. Ang tanging pagkakaiba lang ay naririto ngayon ang aking mga magulang at makakasabay ko sa pag-akyat sa entablado.
Hindi ko rin makali mutan noong grade six pa ako. Labing-tatlong taong gulang ako noon. Nagmamadali akong maligo’t magbihis para habuling ang call-time para sa mga graduates. Binalak kong huwag munang sabihin sa aking mga magulang na ako ang valedictorian. Ngunit sa kadahilanang gusto ko silang sorpresahin, datapwa’t ako ang na-sorpresa sa mga nangyari.
Maraming mga tao sa bakuran namin. Ilang hilera ng mesa na may apat na manlalaro ng mahjong bawat isa. Nilapitan ko ang aking ina na kasalukuyang naglalaro. “Ma, tara na. Alas tres po ang call-time”
“Saglit lang, Karla, matatapos na ‘to. Magpasama ka muna sa Papa mo,” sagot niya at sabay chow sa tira ng sinusundan niya.
Wala akong kamuwang-muwang na lumapit sa mesang kinauupuan ng tatay ko sabay yayang: “PA, tara na po. Malapit na pong mag-alas tres.”
Bigla namang nagkunot ng noo si Papa,”Ma, ihatid mo nga muna si Karla sa school. Bumabawi pa lang ako rito!” sigaw niyang may halong pagkairita kay mama.
“Ikaw na lang muna,” sagot naman ng isa.
Hindi ako gumalaw hanggang sa sinabihan ako ni Mama ng, “mauna ka na muna sa school, anak. Mag-jeep ka na muna. Sunod na lang kami.”
Wala akong magawa kundi mangiyak-ngiyak na naglakad patungo sa sakayan. Halo-halo ang nararamdaman ko at ganun din ang aking isip nang ako’y nakasakay.
Sinalubong naman ako ng aking bestfriend sa gate ng school pagdating ko. Kapansin-pansin din naman ang nababakat na kalungkutan sa aking mukha kaya’t natanong niya: “Oh, bakit ka malungkot? ‘Di ba valedictorian ka? Nasaan ang mama’t papa mo? Bakit ‘di mo sila kasama?” Hindi ako makasagot sa dami ng mga tanong niya pero pinigilan ko pa rin ang sarili kong umiyak.
Hinawakan ako sa kamay ng mahigpit sabay hila sa patungo sa school ground. Tamang –tama naman ang pagtawag pansin ng emcee: Calling the attention of the graduates together with their parents. Please assemble at the school grounds for the processional march. We will start the program in five minutes.
Hindi naman ako kinakabahan ngunit hindi ko maiwasang lumingon ng ilang beses sa main gate habang patuloy na nananalangin sa pagdating nina mama at papa.
“Huwag kang mag-alala, bestfriend. Ipapahiram ko muna sayo ang papa ko. ‘di bale, may mama pa naman ako,” pag-aalok ng aking bestfriend.
Tumatak na sa isip ko ang mga katagang iyan at tila sinariwang muli ng pagkakataong ito ang nakaraan.
Naabutan ako ng aking mga magulang noon na sinusuotan ng medalya ng isang ‘di-kilalang tao. Ngunit kahit pa tatay ng bestfriend ko ang nagsuot sa akin ng medalya ko, masaya na akong makita ang mga magulang kong dumating at marinig nilang tinatawag ang pangalan kong: “Mupas, Karla A., VALEDICTORIAN!”
Masarap ang feeling na matawag ang pangalan mo na kabilang sa mga graduates lalo na kung may award ka pang matatanggap. At ngayon, magtatapos na ako sa kolehiyo, at kasama kong taas-noong maglalakad paakyat sa entablado ang aking ina.
Pero sana, ganito na rin sila ka-proud ni papa noong valedictorian din ako noong high-school sa Regional Science High School for Region I. Siguro naman ngayon, nadala na sila sa Valedictory address ko noon. Paano kais, walang pakundangan kong isinalaysay ang mga pangyayari noong nagtapos ako sa grade school. Kaya naman madam-damin kong nai-deliver ang aking speech. Halos humagulgol sa iyak sina Mama at Papa noon. Nagyakapan pa sila kahit annulled na ang kasal nila sa taon ding iyon.
Ilang taon din akong nagtyaga upang makamit ang aking diploma. Mahirap, masaya at nakakapagod ang mag-aral sa thirtiary level. Ngunit ang tangi kong iniisip, kapag nakamit ko na ang aking minimithi, alam kong magiging ecstatic ang feeling. All I have to do is to work harder and to always look at the bright side. At sa pagkakataong makamit ko na ang goal ko, masasabi kong it paid-off my effort.
Bilang regalo at pagpupugay, binigyan ako ni Papa ng kotse at bagong-bagong mamahaling cellphone naman ang bigay ni Mama. Ngunit ‘di ko naman hinangad na magkaroon ng mga ganitong bonggang-bonggang biyaya. Maramdaman ko lang na proud sila,makita ko lang ang abot-taengang ngiti nila at makamit ko lang ang aking mga minimithi, solve na ako! Ngayon, ako naman ang magreregalo sa kanila. Hindi lamang siguro sa pamamaraang makapag-abot ako ng pinaghirapang pera kundi sa pagpupunyaging abutin ang tagumpay habang patuloy nila akong iniinspire sa. Dahil alam ko, sila ang una sa listahan ng mga magdiriwang kapag nakamit ko na ang tagumpay.
No comments:
Post a Comment