mataas ang pangarap ko pero hindi ako ambisyoso. alam kong magaling ako pero hindi ko pinagmamayabang ito. hindi ako matalino pero marami akong kayang gawin nang higit sa inaakala mo. di ako gwapo, maitim ako, pero di ako bobo!
Sunday, August 15, 2010
Sinong Concern?
Pinangyarihan: Sa isang poste ng kuryente malapit sa South gate ng SLC Compound. Tapat ng Shell. Barangay Lingsat, Siudad ng San Fernando, La Union. March 8, 2010. Lunes. Alas dose y media ng tanghaling tapat.
AKO: Huy! Bakit mo tinatanggal yan? Hala ka! Nilagay kaya yan diyan para makita ng mga tao. Hala! Itigil mo nga yan! (mahinahon) oh, bakit mo ba tinatanggal ang mga iyan? Mahal kaya ang pagpapagawa ng ganyan. Hala... Baka makita ka pa ng mga nagkabit niyan, pagmumultahin ka pa... Oh, ayaw mo ba talagang tigilan? HALA! Pagnanakaw na yan ah! Bakit mo itinatago sa bag mo? Taga saan ka ba? Sinong nanay mo? Aanhin mo ba kasi yan? Para sa project mo? Hindi ka ba tinuruan ng teacher mo? Eto, bibigyan na lang kita ng pambili ng manila paper o kartolina. oh, (sabay abot ng bente pesos) Oh, kunin mo na. (katahimikan... Titigan) Oh, bakit ba ayaw mong sumagot? Ang dami mo nang natanggal ah! Bingi ka ba? Hello! Hello! Mic check. Ah, alam ko na, malamang pipi ka siguro. (kaway) hello? (sabay ngiti) (senyas) wa-la ka- naririnig?
(nagulat sa pag-iling ng kausap) oh, tignan mo 'to, nakakarinig ka naman pala. Teka, baka naman nakalimutan ko lang ang Child Psychology? Anyway, sige... (buntung-hininga) (mahinahon) anak.., bakit mo tinatanggal yan? (katahimikan... Titigan) Anak ng pitumpu't-pitong puting pating naman oh! Ayaw mo ba talagang sumagot? MASAMA YAN! BAKIT MO TINATANGGAL 'YANG MGA POSTERS NG MGA PULITIKO? HOY! HINDI TAMA YAN! ITIGIL MO NA NGA! ANO BA?
BATA: (Hitsurang Grade 3) huwag naman po kayong magalit. Hindi naman po kasi maayos ang pagkakalagay. Tinakpan po kasi nila ang mga nakapaskil na nauna. At saka bawal po ang magpaskil dito. Kilala nyo po ba ang mga nagpaskil nito? Pakisabi naman po na doon lang po pwedeng magpaskil. (sabay turo anywhere) walkout
AKO: (nagpatuloy sa paglakad na kunwari walang nangyari)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment