Sunday, August 15, 2010

brown out!


Bwiset! Ang init-init na nga, wala pang kuryente. Napapadalas na itong pag-brown out. Di ka makatulog, di ka rin makapagfacebook. Good luck na lang sa election kung biglang mag-brown out. Anyway, kahit may baterya naman ang makinaryang gagamitin sa eleksiyon, may oras ding mauubusan ito.
Naisip ko lang, what if pakana lang ng Power Corporation na kunwari inaayos ang power system nila- Para pagdating ng election, hindi sila mahirapang magpalusot kung bakit nawawalan ng kuryente ang ilang areas ng 'Pinas, pero sa totoo lang, mandaraya sila. Pasok, 'di ba?
What if si Villar nga ang bet talaga ng administrasyon tapos kunwari manalong congressman si PGMA tapos magkakuntsaba sila tapos magiging Prime Minister si PGMA kasi nga may issue pa siya ng pagmimigay ng 'gift' sa ilang kongresista- kaya marami nang boboto sa kanyang maging prime minister at isa pa dyan ang pag-appoint ng chief of justice- na talaga namang kaduda-duda, pasok ulit, di ba?
What if manalo si Villar tapos magproprotesta ang mga supporters ni Aquino at magkakaroon ng EDSA4 kasi pararatangang mandaraya ang una kasi nga, may mga unsettled issues pa siya sa senado at maaaring gamitin itong butas para madiin siya? Marami pa ring tangang sumasama kaya sa rally na hindi naman alam ang tunay na diwa ng ginagawa, di ba?
What if manalo si Aquino pero pararatangan siyang mandaraya tapos magkakagulo nanaman sa senado at magkakaroon ng mga hearing at gagasto ng limpak-limpak ang gobyerno at mauuwi din sa wala at ang ilan ay dedma lang sa mga nangyayari?
What if manalo nga si Aquino pero hindi naman niya kayang tapatan ang mga batas na ginawa ng mga nakaraang pangulo tapos mahihirapan siyang palaguin ang ekonomiya ng bansa kunwari tapos mahihirapan siyang magpasa ng mga batas kasi marami siyang kalaban sa kongreso at dadaan ulit sa karayom gaya ng mga nagawa niya sa kongreso-kung mayroon man- at mas lalong maghihirap ang bayang Pilipinas?
What if manalo si Gibo tapos mas mapapadali ang pagsulong ng CHACHA at mas madali ang pagiging prime minister ni PGMA kasi kaalyado ng nauna ang huli tapos magkakakuntsaba sila sa pagkurakot kasi matatalino sila at kaya nilang mangurakot ng pasimple?
What if manalo si Estrada tapos gagamitin nya ang power niya para balikan ang mga taong minsa'y nagdiin sa kanya?
What if matalo ang ibang mga kandidatong hindi nabanggit kasi wala silang perang pambayad sa pagpapagawa at airing ng mga political ads na sumusobra sa time limit?
What if magkaroon ulit ng impeachment trial after this election tapos babagsak or maaapektuhan ang ekonomiya tapos si Roxas ang papalit na presidente?
What if tumakbo ulit si Eddie Gil?
What if hindi effective ang automation ng election kasi nagmalfunction kunwari ang system- at sayang lang ang mga perang nagastos?
What if okey nga ang automation system pero may lalabas ulit na isyung mas malala pa sa hello garci?
What if effective, efficient at clean ang election at effective, efficient at clean din ang sumunod na presidente?
What if magkaroon na ng kuryente nang matapos na ang kaka-what if ko dito?
Pero what if maraming mga taong tangang magkamali sa pagshade ng itlog?
What if i-post ko to sa facebook kasi may kuryente na at kailangan ko nang magcharge ng phone?
What if may relasyon pala sina Gibo at PGMA at napilitan lang ang huli na ang una ang hiranging presidential bet ng admin?
What if buo na ang desisyon mo kaya tutulungan mo na akong mamili ng ibobotong pangulo kasi desperado na talaga ako kasi hanggang ngayo'y gulung-gulo pa rin ang isip ko?

No comments:

Post a Comment