Sunday, August 15, 2010

Insomnia


Isang araw, (kanina lang!) nagising ako ng alas-tres ng madaling araw sa hindi malamang dahilan. Hindi ako dalawin ng antok! Aaaah... Ang ginaw. Parang masarap matulog! Pero hindi talaga ako dalawin ng antok.
Ah! Magbilang muna kaya ako ng tupa?
Hmp! Nakaka-excite naman ba kayang makita ang mga tupang tumatalon? Hmp! Iba na lang.

Matulog muna kaya ako habang hinihintay kong dalawin ako ng antok?

Pumasok tuloy sa isip ko ang mga nangyari nitong mga nagdaang mga araw.

Kumusta na kaya si nanang? Bonggang-bongga pa rin kaya kung humakot ng mga labada sa mga kapit-bahay? Nakakainom pa rin kaya siya ng gamot instead ng si-hok tohng? Sana humupa na ang ubo nya. At si Itay naman, sana tumigil na sa pagsusugal. Ilang lapad na naman kaya ang naubos nya?

Ala, Hindi pa rin ako dalawin ng antok. Matulog muna kaya ako habang hinihintay kong dalawin ako ng antok?

Naisip ko tuloy ang ate ko. Allergic pa rin kaya 'yon sa hipon? Dak-dak pa rin ba kaya siya ng dak-dak?

Hay, bakit ba hindi pa rin ako dalawin ng antok? Matulog muna kaya ako habang hinihintay kong dalawin ako ng antok?

Naisip ko tuloy ang kuya ko. Okey na kaya sila ng asawa niya? Sana magkabalikan na sila. Kawawa naman ang mga bata. Sana kasi, tigilan narin niya ang pambababae.

Hay, bakit ba ang tagal kong maantok? Ah! Matulog muna kaya ako habang hinihintay kong dalawin ako ng antok?

Naisip ko tuloy ang mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang linggo. Naparami yata ang mga pagkakamaling nagawa ko. Ang daming pretensions sa buhay ko. Mahirap din palang magkaroon ng dalawang katauhan. Marami kang dapat i-memorize. Yan naman talaga ang basic requirement sa pagsisinungaling. Kasunod na diyan ang consistency at acting.

Hay, marami pa rin pala akong mga pagkukunwari na ang buong akala ng karamihan, totoo yun!

Hay, bahala na. Siguro kailangan ko na ring magpakatotoo. At kailangan ko na ring matulog muna habang hinihintay kong dalawin ako mg pagka-antok.

Teka, ang lamig! Magkape muna kaya ako bago matulog?

No comments:

Post a Comment