Sunday, August 15, 2010

hari ng entablado


“YOU CAN MAKE IT; IF YOU FAKE IT!” –guiding principle ko yan sa teatro maliban sa “The show must go on!” Kapag may palabas kasi, kailangan maganda ito at hindi nakakaumay. Bawal magkamali. Dapat pulido at perpekto. Dapat lahat ng galaw mo, sakto! May bilang ang lahat ng bagay. May tamang sukat at galaw ang bawat eksenang gagawin mo. At kahit ano pa ang mangyari, dapat magpatuloy ka lang. Bawal magperform ng half-baked. At higit sa lahat, angkinin mo ang stage!
Madami naman talagang standards ang pag-gamit ng stage. Pero it’s worth the effort kapag nagawa mo lahat ito. Isipin mo na lang kung gaano kadami ang bilang ng audience mo, maliban sa laki ng stage na pagtatanghalan mo, parang imposbleng maangkin mo ang buong entablado kapag nerbiyos at kaba ang naghari sa dib-dib mo.
Nagtataka nga ang mga kaibigan ko kung paano ko daw inaangkin ang entablado sa tuwing mag-isa lang ako sa gitna kaharap ang daan-daang mag-aaral ng SLC. Aba! Sa kapal ba naman ng pagmumukha ko at sa ubod ng kaepalan ko, padadaig ba naman ako sa mga kantiaw ng manonood at sa kabog ng dib-dib ko? Sa totoo lang, maglilimang taon na akong nagtatanghal sa stage ng Fr. Burgos Gym. Pero sa tagal kong iyan, kinakabahan pa rin ako sa bawat paglabas ko. Samakatuwid, nananalo naman ako sa bandang huli at naaangkin ko pa rin ang AKING ENTABLADO. Subalit lingid sa kaalaman ng lahat, ako mismo ang inaangkin ng stage na ito.
Kadalasan, halos magagandang bagay lang ang nakikita ng mga manonood sa bawat palabas. At ni minsan, hindi nila ako nahuli sa aking mga pagkakamali. Kumbaga, natuto na rin akong magtago. Pero ang stage na ito, siya ang saksi sa lahat ng mga pagkakamali ko. At kung nakakapagsalita lamang siya, napagalitan na niya ako o kinantiyawan ng bonggang-bongga. Nalalaman niya kung mali ang nabitawan kong linya. Alam din nito ang tunay na saloobin ko, sa likod ng mga pinapakita kong galak at tuwa. Higit sa lahat, siya mismo ang nakakaalam na sa likod ng bawat pagtatanghal, dugo’t pawis ang pinupuhunan dito. Siya rin ang saksi na sa likod ng mga makukulay na ilaw at sa likod ng mga mata ng bawat manonood, ako rin ay mahina at nahihiya sa bawat pagkakamaling nagagawa ko. Ako rin ay umiiyak sa bawat hamong
kinakaharap ko. Kumbaga, palabas lang ang nakikita ng madla, pero ang tunay na damdamin ko, siya lang, maliban sa Poong Maykapal, ang nakakaalam nito.
Sa pagdaan ng iba’t-ibang events na naganap sa stage ng Fr. Burgos Gym, parang napaka-unfair na hanggang ngayo’y tila hindi ito nababago sa kanyang pisikal na anyo. Ilang events na nga ba ang naisagawa dito? Ilang Institutional Masses na ba ang naidaos? Ilang tao na nga ba ang naparangalan? At ilang professional performers pa ba ang magtatanghal? Maliban sa annual na pagpapalit ng pintura sa kanyang backdrop, sana naman ay mapagtuunan pa ito ng pansin.

Sa huling taon ko sa bakuran ng kulehiyong ito, nais ko sanang ibuhos nang todo ang lahat ko sa mga nahuhuling pagtatanghal ko. Pero kung makakapagsalita lamang ang stage na ito, alam ko, sasabihin niyang: “…tama na, naibigay mo na sa akin ang lahat mo…”
Naku, good luck na lang sa akin kung ‘di ako humagulgol sa pag-iyak sa aking Graduation Day. Isipin mo, ang entabladong ito ang huling lugar na maaapakan ko sa pagtatapos ng aking kurso. Nakikini-kinita ko na ang emosyong maibubuhos dulot ng tuwa’t saya sa aking pagtatapos; at ang lungkot sa tuluyang paglisan ko sa entabladong ito. Dahil, sa totoo lang, parang bahay ko na ito. Panatag ako sa bawat pamamalagi ko sa aking entablado. Ako ang hari sa bawat eksenang ipinapakita ko dahil alam kong hindi ako matatalo sapagkat naipamamalas ko ang mga kalakasan ko.
Alam ko, maraming lugar pa ang aking mararating. Ilang entablado pa ang aking pagtatanghalan. Subalit namumukod-tangi pa rin at nag-iisa lang ang stage ng Fr. Burgos Gym. Dito ako nahubog. Dito ako hinulma. Dito ako natuto.
At sa aking pag-alis, dadalhin ko ang pangalang KUYADONG- na kanyang binuo. At kanya lamang ito.

kapit-bahay


[salin mula sa sermon ng isang pari sa panulat ni kuyadong]



“Doro, tingnan mo, oh! Napakadumi talaga ng bakuran niya!”
“Hay, naku, Chika! Ngayon mo lang napansin iyan!? Ala eh, noong isang linggo ko pang nasasambit ang tungkol diya-an sa kapit-bahay nating iya-an!”
“Ala eh, panay ang inom yata ni-yan e!,” sagot ni Aling Chika sa mister nitong si Doro.

Araw-araw nagsisimba ang mag-asawa at kadalasa’y napapansin nila sa kanilang bawat paglabas ang maraming bote ng alak na nagkalat sa bakuran ng kanilang kapit-bahay. Malimit ding makitang magulo ang mesang nakadapa sa harapan ng bahay, dagdag pa ang mahahabang damo sa buong paligid at mga kung anu-anong gamit na dapat ay nasa bodega. Mga gulong, mga liyabe, sirang sala set at pati na rin ang mga pinggan at basong hindi nailigpit sa paligid ng mesang taob.
Ni minsan, ‘di man lang namataan ng mag-asawa ang kanilang kapit-bahay na mag-simba.
“Halos lahat naman ng taga di-ne, e, nagsisimba. Bakit kaya ang kapit-bahay natin, e, ‘di man lang magawang magsimba kahit minsan lang?” puna ni Doro.
“Ala eh! Asa ka pa, Doro! Panay nga ang inom niya-an sa gabi eh! Pagkapangit-pangit nga ang napiling buhay ng kapit-bahay nating iya-an,” sagot ni Aling Chika sa asawa.
“Yayain mo kayang magsimba ‘yan? Malay mo, matauhan sa mga pinag-gagagawa sa buhay-nang magkaroon din ng direksiyon,” alok ni Mang Doro sa kausap.
“Aba! Dios mio! At bakit naman ako ang aalok sa kanya ng ganoon? Bakit ‘di kaya ikaw ang magyaya sa kanya, tutal, ikaw din lang ang nakaisip!” mabungis-ngis na sabi ng maybahay.

Naging usap-usapan na ang magulong bahay sa kapit bahay, hindi lang ng mag-asawa kundi pati na rin ng buong bayan ng Rosario, Batangas.
At sa mga nagdaan pang mga araw, napansin ng mag-asawa na tanghali na kung gumising ang kanilang kapit-bahay upang maghanap-buhay. Dumarating ito sa gabi kasama ang mga kaibigang mukhang goons at nag-iinuman ang mga ito ng magdamagan. Ganoon na lamang ang nakasanayang buhay ng kanilang kapit-bahay.


Sa mga sumunod pang mga linggo, patuloy na lumalaki at humahaba ang mga damo sa bakuran ng kapit-bahay. Kasabay ng mas humahabang tsismisan ng mag-asawa at ng buong bayan tungkol dito.

Ngunit minsan, araw ng linggo, bago magsimula ang misa sa umaga, “Uy, Doro, nariya-an na si Juancho- ang kapit-bahay natin,” balita ni Aling Chika sa Asawa tungkol sa nakita nitong palapit na kapit-bahay.
“Ala eh, mabuti nga ‘yan nang mabasbasan naman siya,” sagot ni Mang Doro na pilit hinihinaan ang tinig nang ‘di makaistorbo sa mga nagdarasal sa simbahan.
“Napansin mo ba, hindi na siya madungis! At ang ganda nang pagmasdan ang kanyang bahay na malinis,” nakangiting bungisngis ni Chika sa asawa.
“Oo, sa katunayan, maaga nang gumigising iya-an. ‘Di na rin umiinom. Wala nang maiingay sa gabi. At talaga namang napakagandang pagmasdan ang kanyang buong bakuran,” sagot ng kausap.

Nagtataka rin ang buong bayan sa mga pinapakita ni Juanco. Kasabay nito ang mas lumalalang tsismisan tungkol sa kanyang biglaang pagbabago. Kapansin-pansin din ang pagtigil ng pagtsi-tsismisan ng mag-asawang Chika at Doro tungkol sa mga kung anu-ano.
Makaraan ang ilan pang mga buwan, naging saksi ang lahat sa tuluyang pagbabago ni Juancho. Subalit, lingid sa kaalaman ng karamihan, ang pagbabagong napuna nila kay Juancho ay hindi sa kanya mismo nagsimula kundi sa mag-asawa.
Mabuti nga’t nagbago si Juancho at naging huwarang mamamayan ng bayan ng Rosario. Salamat sa pagsisimulang paglilinis ng mag-asawang Chika at Doro sa bahay niya na siyang dumurog sa puso ni Juancho at nagpasimula sa lahat ng kanyang pagbabago, kasabay ng patuloy na paggabay sa kanya.

Napagtanto marahil ng mag-asawa ang mga hindi kanais-nais na naidudulot ang pagtsitsismis kaya’t minabuti nilang gawan ng paraan para baguhin ito. Kita mo, dahil sa mga pagbabagong ginawa nila sa buhay nila, nabago din nila si Juancho. Ikaw, ano naman ang gusto mong baguhin sa buhay mo?

brown out!


Bwiset! Ang init-init na nga, wala pang kuryente. Napapadalas na itong pag-brown out. Di ka makatulog, di ka rin makapagfacebook. Good luck na lang sa election kung biglang mag-brown out. Anyway, kahit may baterya naman ang makinaryang gagamitin sa eleksiyon, may oras ding mauubusan ito.
Naisip ko lang, what if pakana lang ng Power Corporation na kunwari inaayos ang power system nila- Para pagdating ng election, hindi sila mahirapang magpalusot kung bakit nawawalan ng kuryente ang ilang areas ng 'Pinas, pero sa totoo lang, mandaraya sila. Pasok, 'di ba?
What if si Villar nga ang bet talaga ng administrasyon tapos kunwari manalong congressman si PGMA tapos magkakuntsaba sila tapos magiging Prime Minister si PGMA kasi nga may issue pa siya ng pagmimigay ng 'gift' sa ilang kongresista- kaya marami nang boboto sa kanyang maging prime minister at isa pa dyan ang pag-appoint ng chief of justice- na talaga namang kaduda-duda, pasok ulit, di ba?
What if manalo si Villar tapos magproprotesta ang mga supporters ni Aquino at magkakaroon ng EDSA4 kasi pararatangang mandaraya ang una kasi nga, may mga unsettled issues pa siya sa senado at maaaring gamitin itong butas para madiin siya? Marami pa ring tangang sumasama kaya sa rally na hindi naman alam ang tunay na diwa ng ginagawa, di ba?
What if manalo si Aquino pero pararatangan siyang mandaraya tapos magkakagulo nanaman sa senado at magkakaroon ng mga hearing at gagasto ng limpak-limpak ang gobyerno at mauuwi din sa wala at ang ilan ay dedma lang sa mga nangyayari?
What if manalo nga si Aquino pero hindi naman niya kayang tapatan ang mga batas na ginawa ng mga nakaraang pangulo tapos mahihirapan siyang palaguin ang ekonomiya ng bansa kunwari tapos mahihirapan siyang magpasa ng mga batas kasi marami siyang kalaban sa kongreso at dadaan ulit sa karayom gaya ng mga nagawa niya sa kongreso-kung mayroon man- at mas lalong maghihirap ang bayang Pilipinas?
What if manalo si Gibo tapos mas mapapadali ang pagsulong ng CHACHA at mas madali ang pagiging prime minister ni PGMA kasi kaalyado ng nauna ang huli tapos magkakakuntsaba sila sa pagkurakot kasi matatalino sila at kaya nilang mangurakot ng pasimple?
What if manalo si Estrada tapos gagamitin nya ang power niya para balikan ang mga taong minsa'y nagdiin sa kanya?
What if matalo ang ibang mga kandidatong hindi nabanggit kasi wala silang perang pambayad sa pagpapagawa at airing ng mga political ads na sumusobra sa time limit?
What if magkaroon ulit ng impeachment trial after this election tapos babagsak or maaapektuhan ang ekonomiya tapos si Roxas ang papalit na presidente?
What if tumakbo ulit si Eddie Gil?
What if hindi effective ang automation ng election kasi nagmalfunction kunwari ang system- at sayang lang ang mga perang nagastos?
What if okey nga ang automation system pero may lalabas ulit na isyung mas malala pa sa hello garci?
What if effective, efficient at clean ang election at effective, efficient at clean din ang sumunod na presidente?
What if magkaroon na ng kuryente nang matapos na ang kaka-what if ko dito?
Pero what if maraming mga taong tangang magkamali sa pagshade ng itlog?
What if i-post ko to sa facebook kasi may kuryente na at kailangan ko nang magcharge ng phone?
What if may relasyon pala sina Gibo at PGMA at napilitan lang ang huli na ang una ang hiranging presidential bet ng admin?
What if buo na ang desisyon mo kaya tutulungan mo na akong mamili ng ibobotong pangulo kasi desperado na talaga ako kasi hanggang ngayo'y gulung-gulo pa rin ang isip ko?

akala


Hindi porke't may kapansanan ka,
May lamang ka na sa kanila
Kaya rin ng iba ang iyong ginagawa.
Eh ano ngayon kung may kulang ka?

Hindi porke't may kapansanan ka
Nakakaawa ka na.
Di mo rin kailangang lamangan sila
O patunayang mas magaling ka

Hindi porke't may kapansanan ka,
Mababa na ang tingin nila sa'yo
Bakit, sa tingin mo, kumpleto ako?
May kulang din kaya sa pagkatao ko.

Hindi porke't may kapansanan ka,
Pagbibigyan ka na lang nila.
May damdamin din naman sila
Kaw lang naman nag-iisip na may kapansanan ka, di ba?

Ngayon, sa tingin mo, wala kang kapansanan?
Bakit, nakikita mo ba ang mga pagkakamali mo?

Ngayon, sa tingin mo, wala kang kapansanan?
Di mo nga naririnig ang kunsiyensiya mo!

Ngayon, sa tingin mo, wala kang kapansanan?
Di mo nga masabi ang ‘I love you’ sa parents mo!

Ngayon, sa tingin mo, wala kang kapansanan?
Kaw lang naman ang nag-iisip na wala kang kapansanan, di ba?

Sinong Concern?


Pinangyarihan: Sa isang poste ng kuryente malapit sa South gate ng SLC Compound. Tapat ng Shell. Barangay Lingsat, Siudad ng San Fernando, La Union. March 8, 2010. Lunes. Alas dose y media ng tanghaling tapat.


AKO: Huy! Bakit mo tinatanggal yan? Hala ka! Nilagay kaya yan diyan para makita ng mga tao. Hala! Itigil mo nga yan! (mahinahon) oh, bakit mo ba tinatanggal ang mga iyan? Mahal kaya ang pagpapagawa ng ganyan. Hala... Baka makita ka pa ng mga nagkabit niyan, pagmumultahin ka pa... Oh, ayaw mo ba talagang tigilan? HALA! Pagnanakaw na yan ah! Bakit mo itinatago sa bag mo? Taga saan ka ba? Sinong nanay mo? Aanhin mo ba kasi yan? Para sa project mo? Hindi ka ba tinuruan ng teacher mo? Eto, bibigyan na lang kita ng pambili ng manila paper o kartolina. oh, (sabay abot ng bente pesos) Oh, kunin mo na. (katahimikan... Titigan) Oh, bakit ba ayaw mong sumagot? Ang dami mo nang natanggal ah! Bingi ka ba? Hello! Hello! Mic check. Ah, alam ko na, malamang pipi ka siguro. (kaway) hello? (sabay ngiti) (senyas) wa-la ka- naririnig?
(nagulat sa pag-iling ng kausap) oh, tignan mo 'to, nakakarinig ka naman pala. Teka, baka naman nakalimutan ko lang ang Child Psychology? Anyway, sige... (buntung-hininga) (mahinahon) anak.., bakit mo tinatanggal yan? (katahimikan... Titigan) Anak ng pitumpu't-pitong puting pating naman oh! Ayaw mo ba talagang sumagot? MASAMA YAN! BAKIT MO TINATANGGAL 'YANG MGA POSTERS NG MGA PULITIKO? HOY! HINDI TAMA YAN! ITIGIL MO NA NGA! ANO BA?

BATA: (Hitsurang Grade 3) huwag naman po kayong magalit. Hindi naman po kasi maayos ang pagkakalagay. Tinakpan po kasi nila ang mga nakapaskil na nauna. At saka bawal po ang magpaskil dito. Kilala nyo po ba ang mga nagpaskil nito? Pakisabi naman po na doon lang po pwedeng magpaskil. (sabay turo anywhere) walkout

AKO: (nagpatuloy sa paglakad na kunwari walang nangyari)

ang gurong gurang


ang inyong mababasa ay isang kuwento at lahat ng nakasaad ay pawang katotohanan lamang. kung may mga paghahalintulad man sa mga tunay na pangyayari, ito ay isinadya at hindi basta kathang-isip lang.

once upon a time, sa isang subject ng mga CE,
may isang gurong pumasok lang kung gusto at di nagpapasabi kung aabsent.
isang araw, (kanina lang), na-late xa pero mga ilang minuto lang. pero may nalalabi pang isa hanggang dalawang meeting na lang bago magfinal exams. isang chapter na lang naman ang aming tatapusin ngunit hindi pa kami nakakakalahati gaya ng mga nangyari noong prelims at midterms --magbasa ka ng aralin kung gusto mong matuto at makakuha ng mataas na marka.

isang araw, (kanina nga lang),

sir: 'tong next topic? next meeting na lang... (pabulong)
ako: yes sir! next meeting na lang! nice idea! (sarcastic)
sir: (narealize na ilang meeting na lang) (napahiya)
sir: apay sika, duwa nga talaga ti dilam? blah! blah! blah! nu katno nga asideg kayo mamihasa kayo met! blah! blah! blah!
ako: (napayuko....)
sir: .......i-bla-blanko ko grade mo sa midterms, ah! WALA KANG GRADO SAKIN! TANDAAN MO YAN! MAKIKITA MO! WALA KANG GRADO SAKIN! MAGKITA NA LANG TAYO SA FINALS!
ako: (shut up, dong! shut up! take it legally, baby...)

to be continued....

dahilan


(graduation issue)


Hindi naman sa ayaw ko,
Pero parang di ko kaya.
kahit na Pilitin ko man,
Hindi na yata uubra.

hindi naman sa ayaw ko,
Pero ayaw pumasok eh,
Mali yata ang kurso ko,
Parang hindi pambabae

Hindi naman sa ayaw ko,
Gusto kong makapagtapos,
Kaya kong tapusin ito,
Pero sayang lang ang gastos

Hindi naman sa ayaw ko,
Gusto ko ring yumaman, nay!
Basta wag muna ngayon,
Wag agarin, hinay-hinay...

Hindi naman sa ayaw ko,
Gusto ko lang magpahinga...
'lang buwan na lang natira
Sa ngayon, please, huwag muna.

Hindi naman sa ayaw ko,
At wala po akong nobyo,
tigilan n'yo nga po ako?
ibababa ko na po 'to!

Hindi naman sa ayaw ko
Sige, bukas, uwi ako
Ba-bye, 'nay, see you tomorrow (click!)
Dios ko, bahala na po

Hindi naman sa ayaw ko,
'lam ko, mali'ng inasal ko,
Mahirap maglihi, ano!
Baby, makikilala muna bukas ang lola mo...