Sunday, December 27, 2009

ECSTATIC!


Kumbaya my Lord, Kumbaya.
Kumbaya my Lord, Kumbaya.
Kumbaya my Lord, Kumbaya.
my Lord, Kubaya.

Kinanta iyan ng isang obispong nagcelebrate ng mass nong tuesday para sa CICM Celebration na dinaluhan ng buong kumunidad ng aming paaralang Saint Louis College.

Paano ko naman makakalimutan ang kantang iyan na laging kinakanta ni Erpat simula't sapul. Kahit pa sobrang hate niya ako noon, tumatak na talaga sa isip ko ang kantang yan na pinipito pa niya kapag nalalasing. Ewan ko ba, napapa-emo ako sa tuwing napapakinggan ko ang melodya ng kantang iyan. Marahil naaalala ko lang ang mga sinapit ko kay erpat. Malupit! Mga hindi kanais-nais na kapangahasan.

Sa tuwing kinakanta niya kasi ang kantang iyan, iyon na ang hudyat na nasobrahan na naman nya ang pag-inom. Ibig sabihin, wala kaming pagkakataong magtalo. Iyon kasi ang trip-habit niya pag nakainom--ang pagalitan ako, may kasalanan man ako o wala. Ewan. Di ko rin siya maintindihan.

Isa sa mga pinakaayaw niyang ugali ko, 'yong pagkukuwento ko ng mga achievements ko kay Ermats. Ayon sa kanya, nagmamayabang na naman daw ako. Aba! Akalain mo? Ala eh, kanino ko ba dapat ibahagi ang mga karangalang natatanggap ko? Tsaka dapat nga maging proud pa siya. Pero kailan ba siya natuwa sa akin?Teka, kelan nga ba?

Marami na akong naisip na dahilan kung bakit ba hate niya talaga ako. Siguro, ampon ako?; Siguro iba ang tatay ko?; Siguro unwanted child ako kasi pang-anim na ako?; at marami pang ibang katanungan... Pero parang imposibleng mangyari ang mga naiisip ko kasi kamukha ko naman siya na para kaming pinagbiyak na bunga! Pero ilang beses ko na ring pinagdasal na sana iba na lang ang naging tatay ko. Iyong isang amang kumakanta din ng Kumbaya my Lord, Kumbaya, pero iyong nakakaintindi.. iyong nkakausap... Kahit hindi perpekto...

Siguro nga ay nakatatak na sa kaluluwa ko ang kantang iyan. Akalain mo, nung sinimulang kantahin ng obispo iyang kantang iyan habang nanenermon sa misa, tumayo ako agad para abutin ang piano at agad kong sinabayan ang kumakanta. Sa totoo lang, hindi ako nakaconcentrate sa nasasalita noon (lagi naman!). Ganun kasi talaga pag tumutugtog ka sa misa.

Pero ewan ko kung bakit nagulantang ang buong mundo ko nang kinakanta ng obispo ang Kumbaya my Lord, Kumbaya na ang ibig sabihin daw ay "Come by here,my Lord!"

Pinuna ako ng obispo nang matapos siya: "...that's musical talent! That's awesome! --hitting a pitch note in an instant? That's talent!"

Lumaki nga yata ang ulo ko noong mga sandaling iyon... Pinalakpakan ba naman niya ako kaya pumalakpak din ang publiko! (haaay, ecstatic!) Noon ko lang nasabi sa sarili ko, after 10 years of living with music, na may talent nga talaga ako.

Umuwi ako sa bahay kinagabihan. Siyempre todo kuwento na naman ako kay Ermat. Pero siguro nga ay na-immune na rin si Ermat sa bonggang-bonggang pagkukuwento ko kasi parang dedma lang siya. Parang wala lang sa kanya kasi aware naman siya sa mga nakakalula at naglalakihang projects ko. Habang nagkukuwento nga ako kay Ermats, nakikinig pala si Erpat sa di kalayuan. At nang matapos na ang kwento ko, dedma lang si Ermats. pero biglang may pumalakpak--si Erpats! Sabay sabi ng "Wow! Congratulations!" (hayun ang ecstatic!)

Tuesday, December 8, 2009

re-act-or

hindi dahil kaya mong gawin, tanggap na ng mga tao.
hindi dahil ginagawa din nila, ok na ito...
hindi dahil walang nagrere-act, ok lang ito.
hindi porke't masaya,tama ang ginagawa mo...

hindi dahil kaibigan mo, biro lang ng biro...
hindi dahil democratic ang bansa mo, magagawa mo'ng gusto mo..
hindi dahil may mas mahina sayo, gagamitan mo na ng kapangyarihan mo...
hindi porke't hinahayaan kita, dada ka na nang dada...

nakalimutan mo na ba
ang ilang beses kong babala:
na hindi lahat ng tanong kailangang sagutin...
kc hindi rin lahat ng sagot, kailangang sambitin.

sino ba ako?
at sino ka rin ba?
matapat ka pa ba?
o tumatapat ka na?

bawat bagay, may limitasyon.
bawat galaw, may rason.

lahat ng gnagawa mo, salamin ng pagkatao mo.
at kung gusto mong mag-luko, kalimutan mu na aku.

sa mundo, hindi naman importante kung kaya mong ipaglaban at mapanindigan ang opinion mo. ang tanong, tama ba ito? totoo ba? at isa pang tanong, kaaya-aya ba sa tingin ni Bro?